EL FILIBUSTERISMO
NOON AT NGAYON
TUNGKOL SA EL FILI
Ang Nobelang El Filibusterismo ay ang ikalawang nobela insinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal. Ito ay karugtong sa unang nobela niya na Noli Me Tangere at inialay ni Rizal ang nobela na ito para sa tatlong paring martir na sina Gomburza, Burgos, at Zamora.
Tulad ng "Noli Me Tangere", si Rizal ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito sa London noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Brussel. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.
mga tauhan
Simoun
Isagani
Basilio
Kabesang Tales
Tandang Selo
Ben Zayb
Placido Penitente
Padre Camorra
Padre Fernandez
Padre Florentino
Don Custodio
Juanito Pelaez
Macaraig
Sandoval
Donya Victorina
Paulita Gomez
Quiroga
Juli
Hermana Bali
Hermana Penchang
Ginoong Leeds
Pepay
Camaroncocido
Tiyo Kiko
Paciano Gomez
Don Tiburcio
ubod ng el fili
Ang nobela ay nagsisimula sa isang paglalakbay ng isang bapor, ang Bapor Tabo. Doon ipinakilala ang ilang tauhan ng nobela na si Simoun, Isagani, atBasilio. Si Crisostomo Ibarra, ang bida sa Noli Me Tangere, ay nagbalik sa Pilipinas at nagbalatkayo bilang isang mayamang alahero na nagngangalang Simoun. Taglay ang poot at layong makapaghiganti at iligtas si Maria Clara sa kumbento, naglunsad si Simoun ng mga plano upang bulukin at pahinain ang pamahalaan upang maging sanhi ng himagsikan.
Lihim at masinop siyang nagbalak at nakipagkuntsaba sa iba't ibang tauhan sa nobela, kabilang na si Basilio. Una, binalak niyang manghimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Santa Clara upang agawin si Maria Clara. Ngunit hindi natuloy ang planong ito sapagkat namatay nang hapong iyon si Maria Clara. Pangalawa, nagkaroon ng pagkakataon si Simoun sa kasal ni Paulita Gomez at Juanito Pelaez kung saan dadalo ang lahat ng makapangyarihan sa pamahalaan.
Niregaluhan ni Simoun ang ikinasal ng isang magarang lamparang may hugis granada na kasinlaki ng ulo ng tao.Lingid sa kaalaman ng lahat, ang ilawang ito ay nagtataglay ng granada na kapag itataas ang mitsa upang paliwanagin ay sasabog ito. Sa kasawiang palad at sa pangalawang pagkakataon, hindi natuloy ang balak na ito ni Simoun sapagkat nalaman ni Isagani ang maitim na balak na ito at mabilis na inihagis ang ilawan sa ilog.
Matapos ang pangyayari, namundok si Simoun dala ang kaniyang mga alahas at nakipagkita kay Padre Florentino. Nangumpisal si Simoun at pinatawad naman ng pari. Uminom si Simoun ng lason upang hindi mahuli ng mga guardia sibil na buhay. Nagwakas ang nobela nang ihagis ng pari ang kayamanan ni Simoun sa dagat at umasang matatagpuan iyon at magagamit para sa kabutihan ng taumbayan.