sana
"Aking minamahal, gumising ka na," tinawag ng paborito kong boses.
"Ay Diyos ko! Ibarra gumising ka na!" isinigaw ni Maria pagkatapos hampasin ako gamit ng isang unan. Bumangon at umupo ng maayos sa kama, tinitigan ko ang aking magandang asawa. Pumuwesto si Maria sa aking tabi.
"Madami pa tayong gagawin ngayong araw, Crisostomo. Hindi pa nga gising ang mga bata."
"Magandang umaga din sayo," sinabi ko habang hinihila siya palapit sa akin.
"Ay nako, bumangon ka na, kailangan ko pang magluto ng almusal." Hinalikan ako sa noo at lumabas.
"Jacinto! Anita! Gumising na kayo, mga anak!"
Labing tatlong taon na ang nakalipas ng huli kong ginamit ang pangalang "Simoun." Lahing tatlong taon na rin kaming nakalaya sa mga Kastila na lumusob sa aming bansa at sumakop sa aking mga kababayang Pilipino.
Pagkatapos ng pagsira ni Isagani sa plano (lampara ay itinapon sa isang ilog), imbis na lalong magalit at lalain ang sitwasyon, ginamit ko nalang itong oportunidad para tapusin na ito.
Nagawa naming pagkaisahin ang mga Pilipino para labanan ang mga Kastilla. Bata, matanda. Babae, Lalaki. Lahat ay tumulong at lumaban para sa isang layunin lamang at iyon ay para sa aming kalayaan. Hindi itong madaling gawin, ngunit nakamit namin ang hinihiling ng kahit sino man sa bansang ito.
Hindi pala tama ang balitang kumalat tungkol kay Maria Clara na siya ay namatay na. Nakatakas si Maria sa kumbento at nakatago sa ibang bansa habang naghihimagsikan dito sa Pilipinas. Pagkatapos niyang bumalik dito, unang-una niyang ginawa ay hinanap ako. Walong buwan ang nakalipas at nagpakasal na kami.
Ngayon, kami ay nakatira sa bahay ni Kapitan Tiyago. Isa pala sa mga huling hiling niya ay maipamana ang bahay niya kay Maria. Dalawa na ang aming anak, si Jacinto Raymundo na dose anyos na at si Maricel Anita na pitong gulang pa lamang.
Sina Paulita at Isagani ay magkakaroon na rin ng anak sa loob ng tatlong buwan, at lima bago ang kanilang kasal. Pagkatapos ng dalawang taong pagkakasama kay Juanito, hiniwalayan nilang dalawa ang isa't isa. Bumalik si Paulita kay Isagani, si Juanito naman ay nakahanap ng kanyang bagong nobyo, isang lalaki na kanyang sobrang minamahal.
Mabuti na rin si Basilio. Sobrang nasaktan at na apektohan si Basilio sa pagkamatay ni Huli ngunit pinagpatuloy niya ang kanyang buhay. Siya ngayon ang pinaka sikat na doktor sa buong bansa at lumalabag sa iba't ibang partido ng Pilipinas para makapaglingkod sa iba. Nakapangasawa niyang isang kaklase niya noong nasa Colegio na siyang nag-aaral.
Si Macaraig na ang namamahala sa San Diego. Pagkatapos ng pagalis ng mga Kastilla, kinailangan ng San Diego ng bagong pinuno. Mabuti naman siyang lider. Nagagamit niya ang kanyang mayaman sa pagtuturong sa mga Kababayan naming hindi ganun ka palad katulad namin.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba na ako.
"Magandang umaga papa!" ang bati ni Anita.
"Ba't huli po kayong bumaba, papa?" tanong naman ni Jacinto.
"Magandang umaga din sa inyong dalawa. Bali na kayo! Kailangan na nating bisitahin si lolo."
"Tara na! Anong kulay naman ng bulaklak ang idadala natin para kay Lolo, mama?" Tinanong ni Anita.
"Ikaw bahala," sinagot ni Maria.
---
Don Santiago de los Santos ang nakasulat sa bato.
"Anita, Juanito, ayusin nito naman ang paglagay nito ng bulaklak."
"Opo ina," winika ng dalaw.
"Pagkatapos, pwede na kayong maglaro." Madaling inayos ng mga bata ang mga bulaklak at pagkatapos ay nag habulan na.
Inilibing si Kapitan Tiyago dito sa isang malawak na parang, isang lugar na talagang mapayapa.
"Hay itay.... Labing tatlong taon na....."
Malapit nang tumaas ang araw.
Iniyakap ko ang aking asawa habang binabantayan ang dalawa naming anak.
Hinalikan ko sa noo.
"Sana."